"Salamat ha?"

Naalala ko noong nagtatrabaho pa ako sa isang mall. bagger ako nun pa close na ang store nang dumating ang isang costumer. Matanda na at mabigat pa ang kanyang pinamili kaya nagpa hatid sa akin hanggang sakayan ng taxi.

Habang naglalakad kami narinig kong may kausap sya sa cp nya at parang nagmamadali.. matagal bago dumating yung taxi kahit ako naiinis kasi kung kelan pasara na ang mall ay tsaka pa naisipan ng matandang ito na kunin ang mga binili nya at nagpahatid pa.. Sa isip-isip ko ano kaya kong iwanan ko to?pero baka balikan ako sa mall at i complain ako.

Mayatmaya pa dumating na yung taxi inilagay ko na sa compartment yung mga pinamili nya napansin ko nlang nasa loob na sya ng taxi habang may kausap sya sa cp.. Pagkapasok ng driver umabante na agad yung taxi ni di man lang ako na lingon o nagpasalamat man lang yung matandang costumer.. Iiling -iling na lang akong tumakbo papunta sa mall at baka masarhan na ako.

Kinabukasan day-off ko nag punta ako sa mall na pinagtatrabahuan ko kasama ko gf ko nun. Kakain kami sa isang restaurant habang nakapila para magbayad napansin ko sa may bandang unahan na parang pamilyar sa akin yung matanda.. natatandaan ko na sya pala ung matandang costumer na nagpahatid kagabi.. Sa isip-isip ko di man lang nagpasalamat sa akin ang bigatbigat pa naman ng pinabitbit nya.

isang na lang bago ako para magbayad kinuha ko wallet ko pero nagulat ako na di pa pala ako nakaka pag widraw at kulang yung cash na dala ko! nataranta ako nung ako na ang susunod dami pa naman ng order ko. iiwan ko na sana yung order ko nang biglang magsalita yung kahera na bayad na daw yung order ko.

Nagulat ako at nagtanong kung "sino ang nagbayad?" sabi nang kahera "Sir yung matanda sabi nya kasama ka daw nya eh. " Iniabot pa sa akin yung resibo at may sukli pang 300 nagulat talaga ako! di ako nakapagsalita.. Pagdating sa table namin iginala ko yung mata ko. hinanap ko yung matanda kaso di ko na nakita..tiningnan ko yung resibo at napansin ko may nakasulat sa likod. " Salamat ha? sa paghatid mo sa akin kagabi.."

Gusto ko sana syang pasalamatan kaso di ko na talaga sya nakita.. Napaisip ako na may mga tao parin palang ganun na marunong magpasalamat kahit sa anong paraan kahit tapos na di parin makakalimot mag pasalamat..

 

1 comments:

  1. chris said...

    Tol lagi mo iispin kpg tumulong ka wag ka mag hhntay ng anomang kpalit ksi kung d mo yon nkkta, nkkta nmn ng Dios ang gngwa mo kaya tumulong k dpt laging taos sa puso mo ganyan ang mga anak ng Dios ang nagppakumbaba ay itinataas ng Amang nsa langit,  

Post a Comment







 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at PICK UP LINES??Click mo to