7 taong pangungulila sa “Ama’

mula kay WOF

created April 27, 2007.

Mahal mo ba tatay mo?.. Minahal ka ba ng tatay mo?.. Kelan mo minahal tatay mo?.. May nagisnan ka bang tatay?..

Madami pang tanong iba’t ibang sitwasyon sa bawat isa na nararanasan natin sa piling ng ating mga taytay. Kung ako tatanungin, eto ang sagot ko “Mahal na Mahal pala ako ng tatay ko!’

Huli na ng maramdaman ko yun after Graduate at magkapamilya ako. Kasalanan ko rin namin dulot ko sakit ng ulo at sama ng loob kaya naging strikto si erpat sa akin. Simula ng ako’y tumuntong ng Haiskul puro patawag sa Guidance Office akala nila masasabitan ako ng medalya eh puros sermon ang inaabot.

Pag uwi ng bahay walang kibuan ipagpapatuloy ni erpat ang kanyang naudlot na pagluluto (kusinero si erpat). Magbabalot na lang ng mga ulam at mga ibang paninda, ilalagay sa Basket at malaking kaserola at aalis na di ako isasama. Alam ko yun galit si erpat sa akin syempre tuwang tuwa namn ako dahil di ako makakasama sa pagtitinda.

Siguro dahil nagsawa na ako nagsawa ako sa pagiging mahirap. Ang tumira sa isang Looban (diko alam kung masasabing squatter) na mga kapit bahay ay tsismosa, bungangera, mga sugarol at adik. Minsan nagtanong ako sa sarili ko “Tay bat ba tayo mahirap? bat ba kailangan tayong magtinda?’. Naiingit ako sa mga ibang bata na imbes makasama ko sa kanilang paglalaro eh hindi kundi isasama ako sa pagtitinda.

Share ko lang ito Grades school at High School Graduation walang magulang na pumunta sa pagtatapos ko (kakaingit sa mga ibang friend mo dahil kumpleto sila at sinasalubong isla ng yakap at halik ako wala) eh kasi kailangan kasi nila magtinda para may kita. So dumating ang pagtatapos ko ng College it was March 24, 1997 as usual wala sila sanay nako at di namn sila naghahanda pag ganung okasyon. Kaya sumama ako sa mga ibang barkada para mag celebrate.

March 25, 1997 at 3 AM in the morning umuwi ako galing sa kasiyahan. Nagtaka ako sa labas bat bukas pa ang ilaw sa ibaba. Binuksan ko ang pinto (may sarili akong susi) Nabigla ako at napa luha nakita ko ang tatay naka higa sa bangko at ang mga niluto andoon ibat ibang putahe. hindi nila ginalaw hindi sila kumain hanggat di ako dumating. Mula sa itaas ang nanay bumaba tanong “Bat ngayon ka lang?’ habang ang luha nya ay tumutulo Suot ko pa rin ang toga ko at may luha nakatinign kay Tatay. Ang tatay ko nagising at napatayo bigla deretso sa lababo at para kumuha ng pinggan. wala kong nagawa kundi lumapit sa kanya at yumakap at humingi ng tawad. Ito ang di ko makakalimutan na sinabi nya sa akin “Bat umiiyak ka? Graduate ka na Roberto Malaya ka na.. Kung ano man ang gusto mong gawin sa buhay mo ngayon nasa sa iyo na yan.. may diploma ka na’ sabay talikod at alam kong nagpunas din sya ng luha.

Simula noon di na kami masyadong nagkakabanggaan dahil alam ko na ang dahilan kung bakit naging istrikto sya sa akin.

Ng una nyang masilayan ang kanyang apo tuwang tuwa sya pero kailangan kong mangibang bansa sa pagalis ko parang ayaw kong humiwalay sa pagkakayap sa erpat ko. at ito naman ang pinakamahalaga at huling naging bilin nya sa akin “Patawarin mo ako sa mga hirap na naranasan mo sa akin sana man lang sa paglaki ng apo ko at susunod pang mga apo wag mong ipararanas ang mga naranasan mo sa piling namin ng nanay mo, baka di narin tayo magkita pagbalik mo. Alam mong palala na rin ang sakit ko.’ Wala na akong masabi noon kundi “Tay hintayin nyo ang pagbabalik ko at hintayin nyo pagbibinata ng apo nyo’

Nang nasa Saudi ko hanggat maari ayaw kong tumawag kina tatay at nanay. Nauubos at nasasayang lang ang tawag sa telepono dahil kakaiyak. April 2, 2000 huling pag-uusap namin ni erpat birthday ng utol kong babae. Nakausap ko ulti si erpat “Kailan ka ba uuwi??? baka huling pagluluto ko na ito sa bday ng kapatid mo nanghihina nako anak. Mahal na mahal ko kayong dalawa ng kapatid mo.’ sa sinabi nyang yun napahagulgol ako ng iyak sa telepono. Mga nakatingin ibang lahi mga pinoy at pati arabong nagmamanage ng Call Cabine sa Saudi. Nasabi ko lang kay erpat “Tay, uuwi ako ng August at ipagluluto nyo pa ako sa Bday ko sa unang pagkakataon“

April 27, 2000 - 8:00 tumingin ako sa kalendaryo at sinabi “Yes! ilang buwan nalang uuwi na ako.’ napangiti ako. ika 10:00 ng umaga may tawag ako mula sa pinas Ang nanay “Bert wala na si tatay..’ umi-iyak sa kabilang linya Pinaramdam kong matatag ako at tanggap ko “Nay wala na tayong magagawa hanggang diyan nalang si tatay Lakasan nyo loob nyo Ok lang ako dito uuwi ako mag reresign ako today para maka uwi agad ako’


Ng matapaos ang pag-uusap tulala ako nakatingin ang mga kasamahan kong mga pinoy sa akin. sa isang sulok sa warehouse na upo ako nakatingin sa isang kahon at iniisip si erpat at simulang tumulo ang aking luha parang di ko matanggap na pumanaw na sya. “Ang daya mo tay, di mo ko hinintay na makauwi ako sa august dahil yun lang ang bday ko na ipagluluto mo ako at di mo na din makikitang magbibinata ang apo mo.’



Sa pag-uwi ko mas pinakita kong matatag ako.. ayaw kong ipakita sa nanay ko na iiyak ako na nanghihina ang nang makita ko ang tatay ko na makakasama ko nalang ng tatlong araw ngunit diko makakausap. Doon ko nalaman kung gaano kahalaga ang isang “AMA’ sa buhay. Mahirap sa una hanggang ngayon medyo sariwa pa.

May bagay ako mula sa erpat ko na hanggang ngayon ay dala ko. Isang isang pares na sapatos. Ang “Huling Sapatos’ at isang “Polo’ nya na hanggang ngayon dala ko dito sa U.A.E.. 7 taong pangungulila ko sa “AMA’. Weird bah? Eto kasi ang sapatos na binili nya sa akin at polo na minsan ginagamit nya. Di ko na rin sinusuot. Ilang tahi na ba ang sapatos na ito hehehe ilang palit na ba ng swelas??? di ko na matandaan

Haaayyyyyyyyyyyy ako ay mga supling narin. Mas malaki ang pagkukulang ko sa kanila kesa pagkukulang ng tatay ko sa akin Hindi sapat ang telepono at sa loob ng 10 Taon na pag aabroad 3 beses ko palang sila nakikita nakakausap nalalambing ng personal. Sa totoo lang ayaw ko na ring lumabas ng bansa ngunit may pangako ako sa tatay ko na di ko pararanas sa kanila ang naranasan kong paghihirap.

Nahihirapan din namn ako naiignit ako sa mga kaibigan ko na may mga anak dito sa U.A.E. mga inaanak ko. Na mimiss ko mga anak ko Mahal ba nila ako???

Ikaw mahal mo ba tatay mo???

ika pitong taon pangungulila ko sa erpat ko ngayong araw na itoWOF


(repost ko lang. Sa darating na April 27... ika-9 na taong pangungulila ko na sa aking "Ama" hope you like it)

 

4 comments:

  1. Anonymous said...

    Tol pinaiyak mo ako sa story mo! totoo iba ang dating na kwento if true to life...mahusay ka at awa malampasan mo narin yan. dapat magawa mo nman pakita at sabihin sa mga anak mo kung bakit ka dyan sa lugar na yan para sa kanila at tell mo rin sa mga anak mo ang promise mo sa father mo para alam nila kaya ka dyan sa ibang bansa. Mabuhay ka !!! God bless you !!!  

  2. RODNES said...

    hayzz na miss ko si tatay 2years palang syang namatay!  

  3. Anonymous said...

    nag-iisa talaga ang ama.....kahit ako,i still miss him....naiiyak pa rin ako everytym sasagi siya sa isip ko......  

  4. chris said...

    tol napaiyak mo rin ako skin nangyri din yan nsa vacation ako ng mamatay ang father ko wla ako ngwa dhil sa hrp ng buhay wl rin nmn akong ipon n pera pero d k pnkta s mother ko at mga kptid ko na umiyak ako sa hrpan ng burol ng father ko dhil gusto ko maging mtatag din sila pero doon ako s lkod ng bahay nmn doon ako umiyak n wlng nkaka alam mis ko father ko wala akong ngawa d k ngw yong gnw nya skin noong bata pa ako halos 50/50 ako sa hospital tlgang gmwa sya ng paraan mbhay lng ako nanjan snbhan nya ang doktor ko kpg nmatay ako ksbay sya na papatyin ng father ko pero naghimala ang Panginoon at nagkaroon ako ng pagkakataon na mabuhay tatlo kc kami sa isng room na 50/50 pero ako lng ang nka ligtas
    kaya habng naiisp ko ang father ko bakt wl ako ngaw noon...
     

Post a Comment







 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at PICK UP LINES??Click mo to