Haay, salamat naman at uwian na. Kanina pa ako inip na
> inip umuwi, aba ang hirap atang magpanggap na may
> ginagawa. Galing ko na ngang matulog ng dilat eh,
> sakit nga lang sa ulo. Paalis na sana ako ng biglang
> nag-text yung pinsan ko at hihintayin nya daw ako sa
> baba ng building para sabay na kaming umuwi. Kaya
> hayun, nagsinungaling na naman akong kunwari ay may
> gagawin pa ako para lang maiwasan sya.
>
> Ewan ko ba, bakit ayokong may kasabay samantalang yung
> iba ay naghihintay o di kaya ay may susunduin pa para
> lang may makasabay sa pag-uwi. Hindi naman ako loner,
> basta lang gusto ko mag-isa akong umuuwi. Gusto ko
> wala akong kakilalang kasakay sa jeep. Gusto ko
> mag-isa lang ako sa byahe.
>
> Ano nga bang meron sa jeep? Ano nga bang nangyayari sa
> byahe ko pag-umuuwi ako?
>
> Madami. Iba-ibang klaseng tao. Iba-ibang klaseng
> komedya.
>
> Case # 1
>
> "Aray, ano ba?"
>
> Madalas na dialogue ng mga babaeng feeling commercial
> model ng shampoo kung ipatangay sa hangin ang buhok.
> Mga walang pakialam kahit na ang mga katabi nila ay
> hirap na hirap na sa pag-iwas sa paghampas nito sa
> mukha nila. Kaya ako kapag di na ako makapagpigil,
> hinihila ko na yung buhok, sabay sorry kunwari akala
> ko buhok ko yun. At kapag sinusumpong ako, kinakalabit
> ko na at sinasabihan kong hindi ako kumakain ng buhok.
>
>
>
> Case # 2
>
> "Blah, blah, blah...'
>
> Mga taong feeling sila lang ang sakay na kung mag-usap
> ay dinig ng lahat ng pasahero. Nakakaaliw sila minsan
> lalo na't mahaba ang byahe at walang radyo yung jeep.
> Pampalipas oras din sila, minsan nga gusto ko ng
> sumabat dun sa kwentuhan nila lalo na kapag
> nakaka-relate ako. Pero kapag inaantok ako at di na
> makapagpigil tinitignan ko sila na parang gusto kong
> dukutin ang lalamunan nila.
>
> Case # 3:
>
> "Pakiabot lang po..."
>
> Kapag napaupo ka ng medyo malapit-lapit sa driver,
> asahan mong magiging taga-abot ka ng bayad. Ok lang
> sana yun eh, hwag ka lang makaka-tyempo ng driver na
> may pagka-manyakis na nanadyang manghaplos ng kamay. O
> kaya naman ng driver na parang di pa ata nakakaalam na
> uso na ang deodorant. O kaya naman ng driver na mas
> malakas pang bumuga sa tambutso nya ang bunganga.
> Syempre wala naman akong magawa kundi ang magtakip na
> lang ng ilong at umurong agad kapag medyo lumuwang. At
> meron namang mga pasaherong sobrang bait na hindi ka
> pa nakakapagsalita ay kinukuha na sa kamay mo ang
> bayad mo. Meron din syempreng matatapang na kapag
> hindi mo nakuha agad yung bayad nila ay medyo itataas
> ang boses at may kasama pang ismid. Hay naku, pede ba
> wala akong kumisyon sa pag-abot ng bayad nyo ha.
>
> Case # 4:
>
> "Makikiusog nga..."
>
> Para sa mga kung umupo ay kala mo pang-dalawang tao
> ang binayaran. May mga babaeng kung umupo ay
> nakalihis, walang pakialam na yung katabi nya
> kalahating pwet na lang ang nakaupo. Meron din mga
> lalaking kung makaupo ay halos mangingimi kang
> tumingin sa kanya dahil sa laki ng pagkakabukaka.
> Animo'y may kung anong pinoprotektahan sa pagitan ng
> kanyang mga hita. Kapag ipit na ipit na ako,
> sinasabayan ko ang pag-preno ng mama sa pag-usog.
> Pasensyahan na lang kung mapalakas.
>
> Case # 5:
>
> "Ooozzz..."
>
> Wala namang masama kung matulog ka habang nasa byahe,
> pero sana lang walang dantayan at basagan ng bao.
> Kapag may katabi akong natutulog na, hinahayaan ko
> lang (syempre alangan namang pigilan ko) at kapag
> babagsak na ung ulo nya sa 'kin, bigla kong ibinababa
> balikat ko para magulantang sya. Pero kapag cute ibang
> usapan na yan. Itinataas ko pa balikat ko para
> makahilig at ng makatulog sya ng maayos at ok lang na
> magka-untugan kami, malay mo magpakilala pa sya, asa
> pa.
>
> Case # 6:
>
> "Mama, para ho..."
>
> May mga driver na di mo mapipigilang mapamura sa
> sobrang tagal bago huminto na halos kailanganin mo ng
> sumakay pabalik sa layo ng pinagbabaan sa 'yo. Meron
> namang hihinto kahit na sa gitna ng kalsada mabawasan
> lang agad ang sakay nya. At meron ding halos mahalikan
> mo na yung katabi o kung minalas-malas ka ay mahuhulog
> ka pa dahil sa biglang pagpreno nya. May mga pasahero
> namang hindi pa nakuntento sa pagkalakas-lakas na
> pagsabi ng para at kumakatok pa sa bubong. Merong
> namang magbabayad kapag pababa na at may gana pang
> magalit kapag hindi agad naihinto ang sasakyan. At
> syempre merong mga nagmamadaling akala mo ay mauubusan
> ng lupa kung bumaba, kasehodang mabunggo at matapakan
> nyang lahat ng daraanan nya. Pero pamatay pa ring yung
> minsang may nakasakay akong mama na pagkalakas-lakas
> at paulit-ulit na sumisigaw ng "Bayad ho, bayad ho,
> bayad ho..." Syempre yung driver, kuntodo extend ng
> kamay nya. Nakatingin na lahat dun sa mama na
> kumakatok-katok pa sa bubong ng jeep. Sabay naalala
> nyang "Para" pala ang dapat nyang isinisigaw.
> Nyahaha...tawa ko ng tawa pagkababa nung mama!
>
> Case # 7:
>
> "Hon, love, etc..."
>
> Syempre pa, hindi mawawala ang mga mag-syotang kala mo
> may sariling mundo na kung maglampungan ay parang mga
> pusang di mapakali. Libreng sine 'to, rated 18, kaya
> lang nakakabitin din lalo na kapag nauna kang bumaba
> sa kanila. Meron tuloy mga lalaking 'nag-iinit' at
> biglang bibitaw ang kamay sa pagkakahawak sa bakal
> para kunwari mapapasubsob sa katabi nila o kaya naman
> bigla mong mararamdaman na yung siko nila nasa
> tagiliran mo na. Sarap sampalin ng mga ganung lalaki.
> Di naman sa nakikialam ako, pero wala namang inggitan...
>
>
>
> Hay naku, ilan lang yan sa mga nararanasan ko kapag
> umuuwi ako. Dami pa kong kwento kaya lang uwian na eh.
>
>
>
> Magbi-byahe pa ako.
>
> Sasakay na ako ng jeep.
>
> Uuwi ulit akong mag-isa.

 

0 comments:

Post a Comment







 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at PICK UP LINES??Click mo to